❓Mga madalas itanong

Narito ang mga listahan ng mga madalas itanong tungkol sa Aethir.

Tungkol kay Aethir sa Pangkalahatan

Kailan ang token at paano ko ito makukha?

Ang Aethir token ay inaasahang maging live sa huling bahagi ng Q2 2024. Sa ngayon, walang paraan para makabili. I-aannounce ito ng team kapag meron na at pwede ng makabili. Mag-ingat sa mga manloloko!

Saan ko mahahanap ang tokenomiks?

Ang Aether tokenomics ay live na sa opisyal na dokumentasyon, i-click lamang ang link

Nagbibigay ba ang Aethir ng SDK o mga libraries para sa mga sikat na programming language para mas mapadali ang pagsasama ng mapagkukunan ng gpu?

Nagbigay ang Aethir ng OpenAPI para sa mga tagapagbigay ng resources upang bumuo ng kanilang sariling platform at makamit ang mas personalized na pagsasama sa Aethir platform.

Paano tinitiyak ni aethir na ang pagsasama-sama ng hindi nagamit na GPU ay hindi magreresulta sa pagbaba ng performance para sa mataas na demand na aplikasyon, lalo na kung isasaalang-alang ang pagkakaiba-iba sa mga kakayahan ng hardware at koneksyon sa internet sa mga contributors?

Ang desisyon ng Aethir incentive mechanism ay sa isang banda, upang makapaghikayat ng marami pang resource providers na willing mag contribute ng kanilang sariling mga resources, ito ay upang maka survive sa pinaka magandang paraan sa gitna ng maraming resource providers at upang matiyak na consistent and experience na maibibigay nito sa mga end users.

Maaari mo bang ipaliwanag kung paano tinutugunan ng desentralisadong modelo ng pagmamay-ari ang mga hamon ng pagkakapira-piraso ng mga resources at tiyaking naaayon ang kalidad ng serbisyo sa network?

Ang buong disenyo ng Aethir ay upang matiyak na kahit na may pira-pirasong kontribusyon sa resources, nagbibigay pa rin ito ng garantisadong QOS sa mga customer. Sa layuning ito, tinukoy ni Aethir ang papel ng indexer, checker. Ang Indexer ay inilaan upang iruta ang kahilingan mula sa customer patungo sa naaangkop na container, na isinasaalang-alang ang gastos, distansya, spec., atbp. Ang Checker ay idinisenyo upang patuloy na subaybayan at i-verify ang kakayahang magamit ng resources. Ang disenyo ng tockenomics ay naghihikayat din sa mga tagapagbigay ng mapagkukunan na mag-ambag ng mga mapagkukunan ng matatag na kakayahan at kalidad ng serbisyo.

Nabanggit sa whitepaper ang tokenomics at mga incentives nito para sa mga participants,maaao bang idetalye kung paano pinipigilan ng economic model and centralization of power sa ilang malalaking may hawak ng token at matiyak na patas and compensation sa mga resource contributors?

Sa disenyo ng reward system, hindi kami magbibigay ng anumang preference sa mga resource providers dahil lamang mas marami silang resource o token. Mula sa pananaw ng isang single resource instance, Kahit kanino pa ito kabilang, lahat sila ay may pantay pantay na access sa mga Gawain at mga incentives. Ang mga patakaran sa pagpapatakbo ng buong sistema ay pampubliko at naa-audit.

Dahil sa focus ng Aethir sa pagbabayas ng latency para sa global audience, paano pinapagaan ng platform ang pisikal na limitasyon ng data transmission at ang distansya nito, Lalo na ang real time application tulad ng gaming at AI inference.

Sa Aethir's scheduling logic, ituinuturing namin ang distansya sa pagitan ng mga resources at mga customers bilang isang mahalagang factor sa scheduling. Halimbawa, Hindi kami mag schedule ng mga resources sa Southeast Asia upang maghatid ng mga user sa Europe, Kahit na ang mga resources sa Southeast-Asia ay nasa medyo at mababa ang utilization rate. Kasabay nito ay ang system ng pagbibigay ng incentives ay mag hihikayat ng marami pang resources na ma dedeploy sa Europe para mag provide ng serbisyo sa Europe users.

Habang lumalaki ang network, paano pinaplano ng Aethir na palakihin ang imprastraktura nito upang mahawakan ang dumaraming mga transaksyon at mga computational demands nang hindi nakompromiso ang performance at reliability nito?

Ang Aethir ay ang architecture bilang decentralized hindi lamang para sa mga Web3.0 features, ngunit para din sa pag segment sa mga resources nito at mga kinakailangan nito sa iba't ibang mga rehiyon. Ang logic sa bawat rehiyon ay pinangangasiwaan nang halos independent.

Paano tinitiyak ng Aethir ang isang tuloy tuloy at user friendly na karanasan para sa mga resource contributor at end user, kahit sa mgatechnical complexities ng decentralizes cloud computing?

Sinusubukan ni Aethir na gawing madali ang buhay para sa parehong mga resource contributor at service provider sa pamamagitan ng pagpapatunay ng madaling gamitin na mga SDK, OpenAPI. Magagawa nila ang lahat ng kanilang portal ng pamamahala batay sa mga SDK at OpenAPI na inilabas ng Aethir kung gusto nila ng mas personalized at advanced na mga feature. Hindi nila kailangang mag-alala tungkol sa pinagbabatayan na pagiging kumplikado ng desentralisadong cloud computing.

The Tagalog Aetirian Content Hub is managed by @humangrease and @defonotcatto Special thanks to @cappai for her hard work, without whom none of this would have been possible.

Last updated